-- Advertisements --
PDEA Director Aquino
PDEA Director Aquino/ FB image

Nababahala ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakasunod na pagkakasangkot ng ilang mga Filipino rappers sa iligal na droga.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, na maaring ginagamit ng mga mang-aawit ang kanilang mga kanta at kasikatan para magkaroon ng maraming koneksyon sa pagbenta ng iligal na droga.

Ang pahayag ni Aquino ay kasunod ng pagkakaaresto sa 21-anyos na rapper na si Arlyn Dimabuyu.

Naaresto ang rapper sa anti-drug operation ng PDEA sa Angeles City, Pampanga kung saan nakuha sa suspek ang siyam na ecstacy tablets at sachet na marijuana.

Bukod dito ay naaresto rin ang dalawang kapwa rappers na sina John Kenneth Satahirapan at Alexix Baniqued sa Cubao, Quezon City.

Magugunitang inirekomenda ng PDEA sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang kantang “Amatz” ng rapper na si Shanti Dope dahil sa may kakaibang kahulugan ito.