BACOLOD CITY- Tinitingnan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 6 na naniniwala si Presidente Rodrigo Duterte na marami ang iligal na droga sa lungsod ng Bacolod dahil sa dami ng shabu na nakukumpiska ng mga pulis.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Duterte na in-assign niya si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa Bacolod City Police Office (BCPO) at malaya itong pumatay ng kahit sino.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PDEA Region 6 director Alex Tablate, na base sa kanilang record na ang Bacolod ang may pinakamaraming operasyon laban sa iligal na droga sa buong Western Visayas.
Dagdag pa nito na mas marami din ang recoveries sa Bacolod kung ikukumpara sa ibang lugar.
Ayon sa regional director, nagpapakita ito na nagtatrabaho ang mga pulis sa lungsod.
Aminado din ito na kahit may mga operasyon sa ibang lugar ngunit hindi kasinglaki sa Bacolod ang recoveries.
Paliwanag ng PDEA official, malapit ang Negros Occidental sa Cebu City kung saan malaki rin ang recovery at dinadaungan ng suplay mula sa Luzon.
Ayon kay Tablate, ang suplay na dumadating sa Cebu ay posible din na makarating sa ibang lugar gaya ng Western Visayas sa pamamagitan ng San Carlos City.
Sa kabila nito, naniniwala din si Tablate na walang dapat ikabahala ang mga residente na hindi naman sangkot sa iligal na droga.