GENERAL SANTOS CITY – Malaki umano ang kontribusyon sa pag-deploy ng K9 units ng PDEA sa paliparan sa lungsod.
Ayon kay Kat Abad, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) na layon sa paglagay ng walong K9 narcotic dogs para mapigilan ang pagpasok at paglabas ng druga na idaan sa Gensan Airport.
Dagdag pa nito kayang i-detect ng nasabing mga K9 units ang mga bagahe na may palaman na droga na nakakalusot sa X-ray machine.
Sa pamamagitan ng mga K9 units ay kayang langhapin sa loob ng mga bagahe ang shabu, marijuana, lahat ng party drugs pati cocaine.
Sinabi pa ni Abad na sa buong bansa mahigit sa isang daan na mga K9 units ang nadeploy sa iba’t ibang airport, seaport para sa interdiction at magamit din sa greyhound operation sa mga selda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ang paglagay ng drug sniffing dogs ang magsilbing paalaala sa mga sindikato ng druga na dadaan sa mga pantalan at airport.