Pormal ng sinampahan ng kaso ang isang barangay chairman sa Malabon City na kabilang sa Narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang nasabing barangay chairman na si Alvin Manalac ang Punong Barangay ng Tinajeros, Malabon City.
Ayon kay Aquino, may pananagutan ang nasabing barangay chairman dahil sa involvement nito sa illegal drugs.
Batay sa isinampang complaint ng PDEA, tinukoy na protektor ng iligal na droga si Manalac kabilang dito ang maintenance ng drug den, manufacture ng iligal na droga sa kaniyang lugar.
Ang pagsasampa ng kaso laban kay Manalac ay batay sa nadiskubring clandestine laboratory sa kaniyang barangay nuong April 13,2018.
Pagbibigay-diin ni Aquino na hindi rin matukoy ni Manalac kung sino ang mga identified pushers at users sa kaniyang barangay.
Batay naman sa sworn affidavit ni Director Ismael Fajardo Jr ng PDEA NCR na hindi nagawa ni Manalac na ipatupad ang batas na RA 9165.
Ang paghahain ng kaso laban kay Manalac sa Ombudsman ay nagpapatunay na malakas ang ebidensiya laban sa nasabing barangay official.
Dagdag pa ni Aquino na nais lamang nila na mabatid ng publiko ang involvement sa iligal na droga ng mga barangay officials na tumatakbo muli sa halalan.
Hindi titigil ang PDEA sa pangangalap ng ebidensiya laban mga barangay officials na kabilang sa kanilang Narco-list.
Kamakailan lamang inilabas ng PDEA ang kanilang Narco-list kung saan nasa 207 barangay officials ang kabilang sa listahan.