-- Advertisements --

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang aabot sa limang indibidwal sa Quezon City Memorial Circle kagabi.

Nakuha sa kanila ang ₱6.8 million halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Ang mga suspect na pawang mga babae ay napag-alamang taga Pulilan at Dinalupihan, Bataan.

Batay sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation laban sa mga drug personality.ng mga operatiba ng PDEA- National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit at Quezon City Police District (QCPD) Station 10 alas 8:00 ng gabi

Kinilala ang mga suspect na sina Rohaida Mariga alyas Ate Beking (29yo), Edilyn Ico (26yo), Farjana Dumarang (24yo), Roxanne Cunanan (24yo) at Noraisa Mariga (24yo).

Nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang humigit kumulang 1,000 gramo ng shabu maging ang iba’t ibang identification cards, cellular phones, Passbook, buy-bust money at isang sasakyan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PDEA ang mga suspects habang sumasailalim sa imbestigasyon habang pinoproseso ang paghahain ng kaso laban sa mga ito.