-- Advertisements --

Nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsusumite ng report hinggil sa war on drugs sa Pilipinas sa human rights organizations at International Criminal Court (ICC).

Ito ay kasunod ng direktiba mula sa Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA na magsumite ng up-to-date report sa volume ng nakumpisjkang iligal na droga partikular na sa methamphetamine hydrochloride o shabu.

Tiniyak ng ahensiya na nakahanda silang ipresenta ang kaukulang mga data may kaugnayan sa anti-illegal drugs campaign ng kasalukuyang administrasyon.

Maaalala na pinahintulutan ng ICC Pre-Trial Chamber ang Office of the Prosecutor noong nakalipas na taon ang full-blown investigation sa alegasyong crime against humanity laban kay Pangulong Duterte.

Pansamantalang sinuspendi naman ng ICC ang imbestigasyon nito habang inaassess ng prosecution ang scope at effect ng deferral request.

Batay sa claim ng ilang human rights groups, umaabot sa 12,000 hanggang 30,000 ang aktwal na bilang ng mga indibidwal na napatay sa kasagsagan ng drug war campaign.