-- Advertisements --
Tuluyan ng inalis ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo ang PDEA Regional Director ng National Capital Region.
Kasunod ito sa pagkakaaresto ng hepe ng PDEA Southern District Office Chief na si Enrique Lucero at dalawa pang ahente nito sa lungsod ng Taguig.
Sinabi ni Lazo na kasamang iniimbestigahan ang sinibak na si PDEA NCR Regional Director na si Christian Frivaldo.
Papalitan ito ni dating PDEA Western Visayas Chief Emerson Rosales kung saan pagtitiyak nito na kaniyang babantayan ang mga galaw ng tauhan nito.
Magugunitang naaresto sa kanilang opisina sa PDEA District Office sa Taguig ang hepe ng PDEA Southern district at ilang kasamahan nito sa ikinasang buybust operations ng PNP.