-- Advertisements --
PDEA Director Aquino
PDEA chief Dir. Gen. Aaron Aquino

Nirerespeto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Anti-illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino, na ang nasabing desisyon ng pangulo ay walang impact sa kampanya ng ahensiya kontra sa iligal na droga.

Mananatili aniyang ipapatupad ng PDEA ang mandato nila na labanan ang iligal na droga.

Magugunitang sinibak ng pangulo si Robredo dahil sa maraming rason gaya ng pamumulitika nito sa kampanya sa iligal na droga.