-- Advertisements --

Hahabulin na rin umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga indibidwal na sangkot sa illegal drug trade na ginagawa sa “dark web.”

Ang dark web o tinatawag ding deep web ay ang bahagi ng internet na hindi basta-basta maa-access sa kahit na anong search engine.

Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, ginagamit na raw kasi ng mga big-time drug syndicates ang dark web para doon na bumili ng iligal na droga dahil sa makukumpleto nila ang transaksyon na hindi kaagad natutukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Bukod sa droga, puwede ring ma-order ng customer ang iba’t ibang uri ng pampasabog, pornographic materials, at kahit na motor vehicle IDs.

Dagdag pa ni Aquino, ang napatay na pinaghihinalaang party drugs dealer na si Steve Pasion ay nakikipagtransaksyon umano ng iligal na droga sa Netherlands gamit ang dark web.

Kinokonsidera rin ng ahensya na humingi ng tulong sa South Korea upang doon sanayin ang ipapadala nilang mga tauhan.