-- Advertisements --
Shanti Dope
Shanti Dope/ FB post

Pinasalamatan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) dahil sa tuluyan ng pagbabawal sa mga radyo at TV stations na ipatugtog ang kantang “Amatz” ng rapper na si Shanti Dope.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang nasabing hakbang ay dahil na rin sa kautusan ng National Telecommunications Commision (NTC) sa KBP na bawalan ang pagtugtong ng kanta sa ere.

Magugunitang inalmahan ng PDEA ang nasabing kanta dahil sa pagkakaroon ng “double-meaning” nito.

Nag-eenganyo aniya ang nasabing kanta sa mga kabataan na gumamit ng iligal na droga.