-- Advertisements --

VIGAN CITY – Sang-ayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa hiling ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maisapubliko ang hawak nilang narcolist bago ang halalan sa Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo inamin ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na mas makabubuti kung isang inter-agency task force ang mangangasiwa sa planong pagsasapubliko ng narco-list at hindi lamang ang kanilang ahensya.

Muling binanggit ng opisyal ang intelligence service ng Armed Forces of the Philippines at National Intelligence Coordinating Agency, PDEA at PNP Directorate for Intelligence na may mga hawak ding listahan ng mga pulitiko na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Ani Carreon, malaki ang tsansang madiin sa reklamo ang mga narco-politicians sa ilalim ng listahang hawak ng mga nabanggit na tanggapan at hindi lamang ng PDEA.