Nakatakda nang magsampa ng kasong administratibo at criminal sa Office of the Ombudsman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga barangay officials na kabilang sa narco-list ng ahensiya.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, alas-8:30 ng Biyernes ng umaga ang schedule ng filing ng kaso.
Hawak aniya ni PDEA-NCR Regional Director Ismael Fajardo ang actual complaints laban sa mga barangay officials na nakitaan ng ebidensiya na sangkot sa illegal drug trade.
Tinatayang nasa mahigit 207 na mga barangay officials ang nasa narco-list ng PDEA na una nang isinapubliko ng tanggapan.
Nanindigan naman si PDEA Director-General Aaron Aquino na kung may mga mali sa spelling at position ng mga nasa pangalan, ito lamang umano ay mga typographical error.
Muli rin nitong iginiit na ang kanilang inilabas na talaan ay validated.