DAVAO CITY – Mahigpit ngayon ang ginagawang monitoring ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Davao sa mga drug activities sa Davao region matapos makatanggap ng intelligence report na nasa 60 kilograms umano ng shabu na nasa P720 milyong halaga ang nakapasok mula sa Marawi City.
Ayon pa kay PDEA-Davao assistant regional director Atty. Behn Joseph Tesiorna nakatanggap sila ng impormasyon sa kanilang counterpart sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na malaking bulto ng illegal drugs ang ikinalat sa ilang parte ng Mindanao kasali ang Davao region.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit may massive value ng illegal drugs ang narekober sa mga isinagawang buy bust operation at pagpatupad ng checkpoints sa lungsod.
Nasa kalahati naman o 30 kilograms ng illegal drugs ang nakakapasok sa rehiyon sa pamamagitan ng by land at by sea.
Mula Enero hanggang Pebrero 26 nitong taon, nasa 322 operations na ang naisagawa ng iba’t ibang law enforcement agencies kung saan na sa 440 personalities ang kanilang nahuli.
Sa nasabing buy bust operation, walo nito ang napatay.
Nasa P9.7 million naman na halaga ng shabu ang kanilang narekober habang P130,800 halaga naman ang marijuana.