-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY- Higit kumulang 10 kilo ng mga ipinagbabawal na gamot ang nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office IX na nakumpiska mula sa kanilang Areas Of Responsibility mula buwan ng Enero hanggang Hunyo ng taong 2019.

Ayon sa Public Information Officer ng PDEA RO IX, Darmalyn Jumlail, base sa Midyear Accomplishment report Ng PDEA RO IX,umaabot sa 10.06 kilograms ng shabu, marijuana at kung ano-ano pang mga ipinagbabawal na gamot na umaabot sa halagang 67,921,904 Million Pesos kung san sila ay nakapag sagawa ng labing apat na High Impact operations at 72 High Value Target ang naaresto.

Matatandaang pumutok ang balita sa nasabing syudad nang maaresto ng mga agent ng PDEA RO IX ang tatlong High valued Targets na may dala ng nasa 2,002 na gramo ng shabu noong Pebrero 2019 sa harap ng isang fast food chain.