Nais ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magkaroon ng drug-resistant at self-policing communities sa Pilipinas pagdating ng taong 2030.
“By 2030, we will have drug-resistant and self-policing communities,” saad ni PDEA Director General Wilkins Villanueva sa isang pahayag.
“The organizational outcome of PDEA is to reduce drug-affectation in the country, seeing to it that no illegal drugs can thrive in the barangays through vigilance and commitment in fighting the drug menace,”
Para aniya makamit ito, kailangan ng PDEA na bawasan ang impluwensya ng droga sa pamamagitan ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP).
Ang istratehiya rito ay bawasan ang suplay, demand, at panganib ng droga.
Paglalahad pa ni Villanueva, ito raw ang magiging framework ng anti-drug strategy ng PDEA.