-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang bawas ang mga drogang nasa kanilang evidence room.

Ayon kay Derrick Carreon, director PDEA laboratory service, na pagpasok lamang sa sa lugar ay pinapalibutan na ito ng CCTV cameras kaya napakalabong ito ay ma-recycle.

Ang mga susi ng kandado ay nakatago rin sa safe at may fingerprint scan para sa otorisadong tao lamang na makakapasok sa lugar.

Sa ngayon ay mayroong 2,700 kilos na droga ang nasa kustodiya ng PDEA na ito ay katumbas ng P22 bilyon.