KORONADAL CITY – Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala pang masasabing mga narco-politicians na kasama sa unang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nalinis na.
Ito ay dahil sa hanggang sa ngayon ay patuloy ang monitoring at validation sa mga ito lalo na sa mga tatakbo sa ibat-ibang position sa darating na May 2019 elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PDEA-12 Regional Director Naravy Duquitan, hindi umano nawala ang pangalan ng mga opisyal ng gobyerno sa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga dahil nagpapatuloy ang monitoring sa mga ito.
Nilinaw din ni Duquitan na walang bagong pangalan na nagmula sa PDEA dahil magmumula mismo kay Pangulong Duterte ang iaanunsyo ng DILG sa susunod na mga araw.
Ang sinumang kandidato na masasama sa listahan ang patuloy na iimbestigahan at ivavalidate kung patuloy ang involvement nito sa illegal drug trade.