-- Advertisements --
Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Aaron Aquino na kahit abala sila sa paghahabol sa mga drug personalities sa iba’t-ibang lugar, hindi naman nila nakakalimutang linisin ang sariling tanggapan laban sa mga tiwaling tauhan.
Kamakailan, nagdaos umano sila ng “oplan greyhound” sa mismong national headquarters ng PDEA.
Pinabuksan umano ang lahat ng locker para sa biglaang inspeksyon.
Pinalibot din ang K-9 units para matiyak na walang personnel na nagtatago ng nakumpiskang droga at iba pang kontrabando.
Giit ni Aquino, habang sila ay naghahabol sa “ninja cops” o mga tiwaling pulis na sangkot sa pagre-recycle ng droga, mahalagang matiyak na walang mga kalaban ng batas sa kanilang sariling hanay.