-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatunayan ng Philippine Drugs Enforcement Agency kasama ang ibang law enforcement agencies sa ibang pagkakataon na hindi ni-recycle subalit sinira ng tuluyan ang mga ilegal na droga na nabawi mula sa subject arrested suspected personalities sa Northern Mindanao region.

Pagbigay katiyakan ito ng PDEA 10 na walang illegal drug recycling na mangyayari kapag mahuli nila ang targeted personalities alinsunod sa pinaigting na batas ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002).

Ginawa ni PDEA 10 regional director Atty. Benjamin Gaspi ang pagpaliwanag kaugnay sa illegal drug destruction sa crematorium ng isang punerarya na tumibang ng 7 kilo ng shabu at marijuana na nagkahalaga ng halos 5 milyong piso.

Sinabi ni Gaspi na isa na namang matagumpay na hakbang sa panig ng gobyerno na naisalalim ng illegal drugs burning ang nasabing droga na dumaan rin ng ilang taon na paglilitis ng iba’t-ibang korte sa rehiyon.

Bagamat hindi gaanong malaki ang timbang nga illegal na droga subalit nabawas-bawasan rin ang presensiya ng droga sa rehiyon matapos ipinag-utos ng korte nitong linggo lamang.

Sinaksihan rin ng Police Regional Office 10 at Department of Justice’s Regional State Prosecution Service ang pagsira ng ilegal na droga.