Inanunsiyo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na kanilang tinaasan na ang maximum deposit insurance.
Simula Marso 15, 2025 ay magiging P1-milyon na mula sa dating P500,000 ang maximum deposit insurance.
Ayon sa PDIC na ang deposit insurance coverage ay isang financial safety net para protektahan ang mga depositors at matulungan isulong ang financial stability.
Dagdag pa ng PDIC na ang kanilang Board of Governors ay maaaring iadjust ng maximum deposit coverage sa halaga ng inihahanay sa inflation.
Ang deposit coverage din ay pinag-aaralan tuwing kada tatlong taon.
Noong 2024 sinabi ni PDIC Vice President for Corporate Affairs Jose Villaret na ang maximum deposit insurance coverage ng P500,000 ay nakapag-insure na ng 97 percent ng deposit accounts sa bank system.