-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) sa publiko ang kahalagahan ng pagdedeposito ng kanilang mga pera sa bangko.
Ayon kay Sandra Diaz ang senior vice president for the Management Services Sector ng PDIC, mahalaga ang pagiimpok pa rin sa bangko.
Layon nito ay para maprotektahan ang mga publikong nagdedeposito lalo na sa mga maliliit na depositors na matiyak ang kaligtasan ng kanilang pinaghirapang pera.
Ang nasabing mga pera ay protektado ng PDIC sakaling magkaroon ng problema ang isang bangko.