-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Deposit Insurance Corp (PDIC) ang pangamba ng publiko na wala ng pera sa Deposit Insurance Fund.
Kasunod ito sa pag-reallocate ng Marcos administration ng P107.23 bilyon ng Deposit Insurance Fund para sa pagsuporta ng economic growth projects.
Sinabi ni PDIC president at chief operating officer Roberto Tan, na walang dapat ikaalarma dahil sapat umano ang pondo.
Magugunitang ini-remitt ng PDIC ang P107.23 bilyon bilang pagtugon sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024 at pagsunod sa opinyon na ibinahagi ng Office of the Government Corporate Counsel.