ROXAS CITY – Isinailalim na sa drug test ang mga Person Deprived of Liberty (PDL’s) na may kinalaman sa na-rekober na iligal na droga sa Capiz Rehabilitation Center (CRC)
Ito ang kinumpirma ni Jail Warden Arjuna Yngcong ng ma-interview ng Bombo Radyo.
Ayon kay Yngcong, nag-negatibo na ang dalawang PDL’s habang hinihintay pa ang kumpirmasyon ng resulta ng iba mula sa Department of Health (DOH).
Hindi rin pinagwawalang bahala ng opisyal ang posibilidad na nalusutan ng dumalaw ang mga jail guard o idinaan sa pader na mula sa cyclone wire ang nasabing item.
Napag-alaman na matapos bumalik si Yngcong mula sa kanyang suspension ay kaagad nagsagawa ng Oplan Galugad matapos isang PDL ang nagturn-over sa kanya ng isang sachet ng shabu na nakita umano nito sa inukupang selda.
Ito rin ang unang pagkakataon na may narekober na shabu sa nasabing jail facility.