-- Advertisements --
Aminado si PDP-Laban president Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na bukas ang kanilang partido para sa usaping term sharing sa pinag-aagawang House speakership.
Ito aniya ang nakikitang solusyon ni Pimentel upang maayos na ang isyu ng bangayan sa posisyon sa House leadership sa Kamara de Representantes.
Bilang majority party, iginiit ng opisyal na dapat ang kandidato ng PDP-Laban na si Rep. Lord Allan Velasco ang maunang uupo sa speakership dahil siya ang may overwhelming support sa Kongreso.
Magugunitang naunang iginiit ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na nagkasundo sila ni Velasco sa usaping term sharing sa leadership subalit itinanggi naman ito ni Velasco na nauwi sa banggan ng dalawang kampo.