Nanawagan ngayon ang mga leader ng PDP-Laban Cusi faction sa grupo ni Sen. Manny Pacquiao at Sen. Kiko Pangilinan na magkausap at magkaisa.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, sana raw ay magkausap sila dahil tapos na rin naman daw ang halalan at isaalang alang ang layunin ng partido.
Una nang kinilala ng Comelec ang PDP-Laban faction ni Cusi na umano’y lehitimo dahil sa isa mga kadahilanan ay ang pakikibahagi ng chairman nito na si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mahahalagang aktibidad.
Para naman kay Cabinet Secretary Melvin Matibag, sinabi nito na dapat isantabi na nila ang hindi pagkakaunawaan bunsod ng marami rin namang mga kapartido nila ang mga nanalo sa local level.
Tinukoy din nito na lalakas pa ang partido sa Senado na aabot na sa anim dahil sa nakatakdang pagpasok ni Robin Padilla.
-- Advertisements --