-- Advertisements --

Hihintayin na lamang ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Senator Bong Go na magbago ng desisyon.

Ito ay matapos na tanggihan ng senador ang endorsement ng grupo na maging standard -bearer sa 2022 election kasama si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kaniyang bise presidente.

Sinabi ni PDP-Laban secretary general Melvin Matibag na hihintayin nilang magbago pa ang isip ng senador.

Mahalaga aniya ngayon ay tinanggap na ni Pangulong Duterte ang nominasyon na tumakbo sa pangalawang pangulo.