-- Advertisements --

Inakusahan ng opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Energy Secretary Alfonso Cusi na nais nito ng isulong ang no-election scenario.

Kasunod ito sa paghain ni PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Cusi na humihingi sa Commission on Elections (Comelec) na buksan muli ang filing of candidacy (COC) at tanggalin ang mga deadlines para sa nalalapit na halalan dahil sa may mga naka-pending na mga kaso.

Sinabi ni PDP-Laban Vice Chairman Lutgardo Barbo na dapat huwag ng pansinin ng Comelec ang petisyon na ito ni Cusi dahil sa malinaw ang motibo niya na nais niyang ikansela ang halalan.

Kapag hindi aniya natuloy ang halalan ay matatagalan pa ang kanilang panunungkulan sa puwesto.