-- Advertisements --

Isinapormal na ng ruling party na PDP-Laban ang kanilang endorsement para kay House Deputy Speaker Loren Legarda para sa senatorial race sa halalan sa darating na Mayo 9.

Ito ay matapos na pinagtibay ng PDP-Laban ang Resolution No. 25 ng National Executive Committee noong Pebrero 26/

Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, si Legarda ang napusuan nilang kandidato na tutulungan nalalapit na halalan dahil sa pangako nitong susuportahan at ipagpapatuloy ang mga magagandang programang sinimulan ng Duterte administration.

Si Legarda ay ang nakakuha ng Top 2 rank sa Pulse Asia Survey na isanagawa noong Pebrero 18 hanggang 23, 2022.

Nakakuha siya ng 58.9% ng mga respondent na boboto sa kanya sa halalan. 

Nasungkit din ni niya ang 99% awareness ng mga botante.