-- Advertisements --

Itinuturing na isang sasakyang Volkswagen ang buong party membership ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon kay dating Vice President Jejomar Binay, ito ang naging pagsasalarawan ni dating Department of Foreign Affairs Blas Ople.

Kahit gaano kaliit aniya ng partido ay kasyang-kasya ang mga miyembro nito sa nasabing maliit na sasakyan.

Ang namayapang si Ople ay datind DFA Secretary noon ni Ex-President Joseph Estrada habang naging PDP-Laban chairman naman si Binay.

Magugunitang nagsama ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na itinaguyod ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel at Lakas ng Bayan (Laban) na itinaguyod din ng namayapang Senador Benigno Aquino Jr para patumbahin ang partido ng mga Marcoses.