Naglabas ng initial line-up para sa potential senatorial ticket ang ruling party na PDP- Laban.
Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, ang bagong talagang vice president for Visayas ng PDP-Laban na binubuo ng mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang halos inisyal na senatorial line up ng partido.
Kinabibilangan ito nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Presidential Spokesperson Harry Roque, Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade, Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Department of Information and Communications (DICT) Secretary at dating senador Gringo Honasan.
Habang ang mga re-electionist ay binubuo nina Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda at Senator Miguel Zubiri.
Habang kabilang din sa listahan ang ilang celebrities na sina Raffy Tulfo at Willie Revillame at Robin Padilla .
Ilan sa mga maidadagdag sa line up ay sina Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica, Communications Secretary Martin Andanar, dating Senador JV Ejercito at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Paglilinaw pa ni Evardone na wala pang pinal at patuloy ang kanilang pagpoproseso sa posibleng kandidato.