Umalma ngayon si Senator Koko Pimentel sa hakabang ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng petisyong inihain ng PDP-Laban Cusi-faction sa komisyon.
Ayon kay Pimentel, pinasasagot sila ng Comelec sa petisyon ng Cusi faction na humihiling na ideklarang illegitimate ang PDP-Laban na pinangungunahan ni Senator Manny Pacquiao.
Sinabi ni Pimentel na dapat ang Cusi-faction na tinawag niyang power grabber at mga hijackers ang magpaliwanag sa Comelec kung bakit sila ang dapat kilalaning original na party owner.
Dagdag pa ni Pimentel, nasa kanila rin umano ang address ng partido ay nasa kanila maging ang PDP-Laban Hym ay isinulat din mismo ng kanyang ina.
Sa kabila nito, tatalima pa rin naman daw ang kanilang paksiyon sa utos ng Comelec dahil nabigyan lamang sila ng limang araw para sagutin ang petisyong inihain ng Cusi-faction.
Una rito, noong Setyembre 7 nang maghain ng petisyon ang partikong pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi para hilingin sa Comelec na ideklara si Sen. Mammy Pacquiao at kanyang mga kaalyado bilang “illegitimate officers” ng ruling party.