-- Advertisements --
Pacman
PDP-Laban campaign manager Sen. Manny Pacquiao

Pansamantalang huminto sa dibdibang ensayo si Sen. Manny Pacquiao sa magiging laban nito kay undefeated American boxer na si Keith Thurman para siya ang mag-anunsyo ng susuportahan ng PDP-Laban sa House speakership race.

Ayon kay Pacquiao, nagkasundo ang kanilang grupo na ibigay ang boto para kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“Magaling si Lord Allan Velasco as a leader. We expect na susuportahan niya ang panukala na makakabuti sa mga Pilipino,” wika ni Pacquiao.

Ilan umano sa naging konsiderasyon ang pagiging miyembro nito ng ruling party at nakuhang suporta mula mismo sa mga kasapi ng kanilang partido.

Pero una nang ipinaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay outgoing Speaker Gloria Arroyo ang pagpili ng posibleng pumalit sa kaniya sa pagpasok ng 18th Congress.

Si Pacquiao naman ang napiling mag-anunsyo ng balita dahil siya raw ang campaign manager ng PDP-Laban at bahagi iyon ng kaniyang tungkulin.