-- Advertisements --

Hinamon ng isang political analyst ang ruling party PDP-Laban na talakayin ang napabalitang vote-buying sa speakership na mula sa kanilang kampo.

Sinabi ni Ranjit Rye na bagamat matagal nang umuugong ang issue ng bilihan ng boto sa speakership race ay hindi naman daw ito dapat ipagkibit balikat lamang.

Binigyan diin ni Rye na integridad ng iluluklok na susunod na lider ng Kamara ang nakasalalay dito.

Nauna nang sinabi ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na aabot sa P7 million ang umano’y bribe money na ibibigay sa mga kongresista kapalit ang kanilang boto para sa speakership race.

Nauna nang binatikos ng ilang mambabatas tulad ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang umano’y nangyayaring vote buying at iginiit na nakakasira ito sa imahe at integridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Para naman kay ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, nakikialam ang mga business tycoons sa speakership race kaya.

“Definitely may interes ang mga ito sa speakership dahil iyong mga billon dollar interest nila nakatali sa mga paborableng batas at intervention ng Kongreso,” ani Tinio.

Sinasabing si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, isa sa mga speaker-aspirant, ay suportado raw ng negosyante na si Ramon Ang.

Si Ang ay nagbi-bid sa 53 percent ng P3-trillion worth ng major infrastructure projects sa Build Build Build Program ng Duterte administration.