-- Advertisements --

Wala pang napili ang PDP-Laban na tatakbong bise presidente sa darating na 2022 elections.

Sinabi ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na ipapaubaya nila sa mapipili nilang pangulo kung sino ang nais nitong makasama sa pagka-bise presidente.

Hindi aniya gawain ng kanilang partido na pumili muna ng bise presidente bago ang pagpili ng pangulo.

Magugunitang napili ng kabilang faction ng partido si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa darating na 2022 elections.

Ang faction ng pangulo ay mula sa grupo ni DOE Sec Cusi.