-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinanguhahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRMMO) ang earthquake drill sa kapitolyo.

Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng mga opisyal at kawani ng mga bawat opisina ng probinsya kung saan sa pagtunog ng siréna agad na nag

DUCK, COVER and HOLD ang mga empleyado at dahan-dahang lumabas sa gusali patungo sa designated evacuation area na itinalaga ng PDRRMO.

Layunin ng drill na ito na ihanda ang bawat empleyado kung saka-sakaling magkaroon ng pagyanig. Ang nasabi ring aktibidad ay pagtalima sa isa sa mga twelve point agenda ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na Disaster Preparedness, Response and Resilience.