-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Naka heightened alert na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Antique para sa mas pinabilis at pinalakas na emergency response sa nakatakdang pagsisimula ng taunang regional sporting events kung saan ang Department of Education (DepEd) at lalawigan ng Antique ang host province ngayong taon para sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2025.

Ayon kay PDRRMC Antique head Broderick Gayuna Tra-in, handa na ang kanilang tanggapan kasama ang iba pang mga emergency and rescue volunteers sa pagbibigay ng assistance sakaling may mangyaring emerhensiya sa mga gaganaping laro mula Marso 1-8, 2025.

Sa loob ng isang linggong sporting competition ay may nakalaang emergency response personnel upang kaagad na marespondehan ang mga atletang mangangailangan ng kanilang tulong.

May MDRRMO’s personnel augmentation mula sa lalawigan ng Aklan at Passi City upang matiyak na sapat ang emergency personnel sa lahat ng venue ng mga laro.

Sa kasalukuyan aniya ay hinihintay na lamang nila ang pormal na pagsisimula ng mga laro kung saan ang opening ceremony ay gaganapin sa March 2, 2025, alas-4:00 ng hapon.

Nasa 5,394 ang kabuuang delegasyon na kinabibilangan ng mga atleta, coaches, chaperoons, technical officials at iba pa ngayong WVRAA Meet 2025 sa lalawigan ng Antique.