-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Pinag-iingat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga turistang nagtututngo sa Batanes dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Egay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Roldan Esdicul, sinabi niya na mula kahapon ay ay tuloy-tuloy pa rin ang biyahe gayunman inihahanda na nila ang hotel accomodations para sa mga ma-iistranded na pasahero.

Nagkaroon na rin ng advance booking ng ilang mga pasaherong magtututngo sa Maynila upang hindi maabutan ng bagyo.

Nanatili namang sapat ang krudo para sa kuryente na mula sa NAPOCOR.

Sakali mang magkaroon ng force evacuation ay nakahanda ang kanilang provincial evacuation at municipal evacuation center para sa mga pamilyang kakailanganing ilikas.

Tinututukan na rin nila ang mga bahay na gawa sa light material habang sinimulan na rin nila ang pamamahagi ng mga lubid na gagamitin upang itali ang mga bahay.