VIGAN CITY – Nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga kasapi ng Ilocos Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kasunod ng pag-land fall ng tropical storm Neneng sa ibat-ibang bahagi ng bansa na kung saan ay ang Ilocos Sur ay naisailalim sa signal no. 1.
Sa ibinahaging video ni Kapitan Bong Cacho ng Rancho, Santa, Ilocos Sur ay ipinakita nito ang kanilang pagmonitor sa coastal areas upang siguruhing ligtas ang mga residente sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay nararanasan ang katamtaman at bahagyang paglakas ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya.
Dahil din sa pag-ulan ay kinumpirma ng Bantay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasailalim ng red alert status ng bayan ng Bantay.
Gayunman, ang water level sa probinsia ay kasalukuyang normal ang sitwasyon.