ILOILO CITY – Nagpasa ng resolution si Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. hinggil sa unscheduled power interruption sa Panay, Guimaras at Negros.
Ito ay unanimously approved ng myembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa isinagawang pagtitipon kahapon.
Ang mga resolution ay kinabibilangan ng mga sumusunod: naghihiling sa National Grid Corporation of the Philippines na i-fast tract ang pag-upgrade at pag-improve ng Barotac Viejo Substation, i-update ang lalawigan sa status ng grid, i-synchronize ang “protection relays of transmission, generation and distribution”, at i-review ang reliability ng bawat Visayas sub-grid.
Hinihiling din nito sa Energy Regulatory Commission ang pagpapabilis ng Ancillary Service Procurement Agreement.
Sa mga household level naman, ipapatupad ang conservation measures.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Governor Defensor, sinabi nito na kung sakaling mabigyan ng National Grid Corporation of the Philippines ng expansion ang Barotac Viejo substation, mabawasan ang pangamba na mararanasan ulit ang power interruption sa isla ng Panay.
Una nang inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang National Grid Corporation of the Philippines na agad na ayusin ang third stage ng Cebu-Negros-Panay backbone project.
Matandaan na naranasan ang region-wide total blackout sa Western Visayas noong nakaraang April 27-29.
Kahapon, naghain ng resolution ang ilang mambabatas sa Western Visayas na nananawagan sa House Committee on Energy na agad na magsagawa ng congressional inquiry in aid of legislation.