CENTRAL MINDANAO – Pinarangalan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC-12) ang Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Division bilang 1st Placer sa 2019 Gawad Kalasag bilang Best Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ginawa ang parangal sa Green Leaf Hotel, General Santos City kasabay ng National Disaster Resilience Month Culmination Program.
Masayang tinanggap ni PDRRMD head Mercedita Foronda at ng kanyang provincial staff ang plake mula kay RDRRMC Chair and OCD Regional Director Minda Morante.
Ayon kay Foronda, ang parangal ay bunga ng pagsisikap ng provincial government at iba pang stakeholders nito na maging handa sa anumang sakuna sa pamamagitan ng iba’t-ibang interbensyon.
Pinuri naman ni Governor Nancy Catamco ang PDRRMD at ang pamunuan ng nagdaang administrasyon sa mga pagsisikap nito na maagapan, maiwasan at matugunan ang mga pangangailangang ng Cotabateño dulot ng kalamidad at umaasang ipagpapatuloy ng PDRRMC ang magandang simulain ng probinsya.