CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang pagdating ng Bagyong Kiko na inaasahang tutumbukin ang North East Luzon at mahahagip nito ang mga bayan ng San Mariano at Palanan.
Sa naging Panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Retired General Jimmy Rivera na nakakabahala ang pagbuso ng Bagyong Kiko na 220 kilometer per hour na nasa category 5 na typhoon at masyadong napakalakas.
Matapos ang isinagawang operational briefing ay idedeploy na ang apat nilang team at sa bawat team ay may dalang dalawang boat na sakay ng 6 by 6 truck, isang pick up, isang ambulance at may mga dalang pagkain at tubig na magagamit sa loob ng limang araw.
Mayroon ding 20 water purifier ang PDRRMO na magagamit sa panahon ng kalamidad para mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga apektadong residente.
Nanawagan siya sa mga hindi matibay ang mga bahay na ayusin na at lagyan ng mga pampatibay bago pa man dumating ang bagyong Kiko.