-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Puspusan ang paghahanda ngayon ng Provincial disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) may kaugnayan sa paparating na bagyong Bising matapos na maisailalim sa wind signal number 1 ang Eastern portion ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. General Jimmy Rivera ng PDRRMO Isabela sinabi niya na tatlong araw bago pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Bising ay naglabas na sila ng alert notice sa mga chief executives maging sa mga local DRRMO’s sa pamamagitan ng viber para sa kanilang paghahanda.

Sa kasalukuyan ay ipinagbawal na ang paglalayag sa dagat at ilog cagayan.

Nakahanda narin ang water search and rescue team ng PDRRMO na tutugon sa mga hindi inaasahang pangyayari sa paglapit ng bagyo.

Nakakaranas na rin ng mga pabugso-bugsong ulan at malalakas na hangin ang coastal areas kaya ipinapatupad na ang “no fishing, no sailing at no swimming”.

Epektibo na rin ang total liqour ban sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 ganundin naka alerto na ang mga river watch patrol at coastal watch patrol.

Sa ngayon ay wala pang pamilya ang kinailangang ilikas gayunman pinaghahandaan parin sa mga barangay sa 4 na coastal towns na maaring maapektuhan ng storm surge o daluyong dahil kung tititgnan bagamat hindi ito tatama sa kalupaan ay apektado tayo ng ulan at hangin na dala ng bagyong Bising dahil sa malawak na rain at wind band nito.

Paalala niya na ipinagbabawal na ang pangingisda sa mga ilog, bawal ang paliligo at anumang aktbibidad dahil manghuhuli ang mga itinalagang river watch patrol.