Inihayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na isang “white object” ang nakita sa Barangay Dicaruyan, Divilacan, Isabela sa isinagawang search and rescue operation para sa nawawalang Cessna plane.
Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Constante Foronda na dahil sa sama ng panahon, nabigo ang mga rescuer na kumpirmahin kung ang bagay ay ang nawawalang C206 plane na RPC1174.
Aniya, nabalot daw ng fog ang lugar hanggang sa magdilim at hindi na nag-clear.
Dagdag pa ni Fronda na ang lugar kung saan nakita ang bagay ay pare-pareho sa mga pahiwatig nila sa posibleng lokasyon ng nawawalang eroplano kabilang ang account ng isang magsasaka, telepono ng isang pasahero, at isang ulat ng isang tunog na diumano ay nagmumula sa isang sasakyang panghimpapawid.
Tiniyak ni Foronda na sa sandaling pinahihintulutan ng panahon, magpapalipad sila ng drone sa lugar kung saan nakita ang bagay o ang “Site Alpha”.