-- Advertisements --
LEGAZPI CITY — Nanawagan ang Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko na maging kalmado sa panahon ng kalamidad at iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Ito ay kaugnay ng paglabasan ng mga maling impormasyon sa kasagsagan ng pagtama ng 6.5 na lindol kahapon na nagdala ng pangamba sa publiko.
Sa panayam ng Bombo Radyo legazpi kay Sorsogon PDRRMO head Engr. Raden Dimaano, nagpapalala lamang umano sa sitwasyon ang mga maling impormasyon na ibinibigay ng ilang katao.
Nabatid na matapos na maramdaman ang naturang lindol, may ilang hindi naiwasan na ikumpara ito sa nangyaring pagyanig sa Pampanga na ikinamatay ng ilang biktima.