-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño Mendoza ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) Executive Committee Meeting na ginanap sa IPHO Conference Room, Amas, Kidapawan City.

Sentro ng naging pagpupulong ang presentasyon nina Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold S. Ramos, 602nd Commanding Officer Col. Donald M. Gumiran at 1002nd Commanding Officer Col. Patricio Ruben P. Amata kung saan sila ay nagbigay ng update hinggil sa peace and order situation on anti criminality and anti insurgency ng lalawigan.

Sa kanyang presentasyon, nagpaabot ng kanyang kagalakan at pagbati sa pamunuan ni Governor Mendoza si Col. Amata dahil sa ngayon aniya ay wala na silang namamataang presensya ng rebeldeng grupo sa area ng 1002nd Brigade dahil na rin sa pinaigting na programa ng pamahalaan kontra insurhensiya ang Ending Local Communist Armed Conflict o ELCAC.

Kabilang sa mga bayan na nasa ilalim ng area of responsibility (AOR) ng 1002nd Brigade ay ang bayan ng Makilala, Tulunan, Magpet, President Roxas, Arakan, Antipas at Kidapawan City

Nagpasalamat naman ang gobernadora sa patuloy na suporta at pagsisikap ng mga law enforcers at iba pang stakeholders na mapanatili ang katiwasayan at kapayapaan sa lalawigan.

Dumalo rin sa pagpupulong sina DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, National Intelligence Coordinating Agency Regional Director Eduardo T. Marquez, Chief Regional Staff of PRO XII PCol Arnold Santiago, BGen. Pedro Balisi at ilang matataas na opisyal ng AFP, PDEA, BFP at BJMP.