CENTRAL MINDANAO-Libo-libong Bangsamoro nakilahok sa Peace Caravan para ipanawagan ang pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) hanggang 2025
Kasabay ito ng pakikiisa sa selebrasyon ng Bangsamoro Freedom Day.
Ang peace caravan na pinangunahan ng ibat-ibang organisasyon na nagtipon sa Crossing bubong Cotabato City na umikot sa Isulan, Tacurong, Buluan, Mlang, Pikit at pabalik ng Cotabato City.
Sinabi ni Amai Samrob ang tagapagsalita ng Mindanao Alliance for Peace layunin ng kanilang caravan ay ipanawagan kay Pangulong Duterte at sa mga mambabatas na ipasa ang Extension bill ng BTA hanggang sa 2025.
Kung may sang-ayon sa pagpapalawig ng BTA nagsagawa rin ng peace rally ang ilang grupo na tutol sa BTA Extension at nais na matuloy ang eleksyon sa BARMM ngayong darating na 2022.