(Update) CENTRAL MINDANAO – Apat ang sugatan nang magrambulan at magbarilan ang mga tagasuporta nang magkatunggaling kandidato sa probinsya ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao police provincial director, Col. Ronald Briones, habang ginaganap ang peace covenant sa municipal gym ng Sultan Sabarongis, Maguindanao sa pagitan nina mayoralty candidate Mamatanto Mamantal at incumbent Municipal Mayor Ramdatu Angas sa Barangay Poblacion nang biglang magkatensiyon.
Sa kalagitnaan kasi ng programa na pinangunahan nina Maguindanao Comelec provincial supervisor Atty. Ernie Palanan, 601st deputy commander Col. Joel Abrigana, pinuno ng 40th IB at pulisya ay biglang nagkainitan ang mga tagasuporta ng dalawang kandidato.
Humantong sa suntukan, habulan at batuhan kung saan isa sa mga tagasuporta ang namaril pa.
Dahil dito, napilitan ang mga otoridad na mag-warning shots hanggang sa hinuli ang mga sangkot sa gulo.
Agad namang dinala sa pagamutan sa Tacurong City ang mga sugatan.
Natuloy din naman ang peace covenant.
Habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya at militar ang mga nasangkot at nagpasimuno sa gulo.