COTABATO CITY – Dumalo ang mga magkakatunggaling kandidato sa isinagawang peace covenant signing sa bayan ng South Upi, Maguindanao.
Isa isang pumirma sa 2022 National and Local Elections Integrity Pledge ang mga kandidato na inisyatiba ng Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Kaugnay nito, nagsagawa din ng Voter’s Education at VCM demonstration ang Comelec upang maipaliwanag sa mga kandidato,watchers at stakeholders ang bagong resolutions at features ng bagong Vote Counting Machine (VCM).
Sa panayam kay Mayor Reynalbert Insular, satisfied naman ito sa accuracy ng bagong VCM kung saan siya mismo ay sinubukan ito kasama ang ibang kandidato.
Tiwala rin ito sa kakayahan ng COMELEC, AFP at PNP na mapanatili ang SAFE o Secure, Accurate, Free and Fair Elections sa darating na May 9, 2022.
Sinabi naman ni Lt. Col. Jonathan Pondanera ang siyang Battalion Commander ng 57th Infantry Battalion na pagsisikapan ng AFP na maidaos ng maayos at mapayapa ang paparating na halalan nasabing sa bayan.