BUTUAN CITY – Muling nabigo sina Bayan Muna Representatives Eufemia Campos Cullamat at Carlos Isagani Zarate kasama ang militanteng grupo na Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod o MAPASU na makumbinse ang Surigao del Sur Provincial Government sa pag pull-out sa Community Support Teams sa isinagawang Peace Dialogue sa Sitio Simuwao (Kilometer 9), Diatagon, Lianga, Surigao del Sur sa nakaraang araw.
Tinukoy ng pamahalaang panlalawigan na ang presensiya ng militar ay mahalaga sa pagtatag ng sustainable peace and development sa lugar sa pamamagitan ng Executive Order No. 70.
Layunin sa nasabing Peace Dialogue na mapromote ang reconcilation, kooperasyon, sustainable peace at koordinasyon sa pamamagitan ng consultative discussions sa kumunidad, government agencies gaya ng AFP at iba pang sectors.
Una nang iginiit ng MAPASU at Bayan Muna ang kanilang demanda na e-pull out ang Community Support Teams at binatikos ang Whole of Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict ng pamahalaan sa pagsabing hindi ito ang tamang paraan upang matapos ang kaguluhan sa kumunidad.
Ang military, bilang observer, ay walang ipinalabas na pahayag ngunit may malinaw na mensahe ang lalawigan sa pamamagitan ni Governor Alexander Pimentel nagsabing si President Rodrigo Roa Duterte, ang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines, ang nag-iisang makapagpasya sa maaaring gawing hakbang ng tropa ng pamahalaan.
May mission umano silang kailangang tuparin may kaugnayan sa Whole of Nation approach to end local communist armed conflict.