Binuksan sa publiko ang isang peace marker na gawa mula sa piyesa ng mga armas na isinuko sa Philippine Military Academy (PMA), sa Baguio City.
Pinangunahan ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagbubukas sa naturang marker na tinawag bilang ‘Longayban’.
Ang Longayban ay salitang Ibaloi at Kankanaey na ibig sabihin ay ‘magandang binibini’.
Ito na ang peace marker na itinatag at binuksan sa CAR.
Ang una ay ang Mount Data Hotel sa Bauko, Mountain Province kung saan nilagdaan ang makasaysayang 1986 Mount Data Peace Accord.
Ang pangalawa ay inilagay sa Manabo, Abra, kung saan idinaos ang Pagta Congress noong 1986.
Ayon kay Sec. Galvez, ang bagong peace marker ay magsisilbing paalala sa mga mamamayang ng Cordillera at iba pang bahagi ng Pilipinas ukol sa makabuluhang proseso para makamit ang kapayapaan sa buong bansa.
AV – OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr.
Ang mga armas kung saan ginawa ang marker aniya ay unang isinuko ng mga cordillera peoples liberation army, ilang taon na ang nakakalipas.